Thursday, January 7, 2016

4 Steps Para Maging Maayos Ang Kaperahan Ng Mga OFW


Photo Credit

Mabuhay, Kabayan!

Isa ka bang OFW o nasa Pilipinas ka ngunit may kapamilyang nagtatrabaho abroad? Basahin mo ng buo ang artikulong ito.

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng sipag at tyaga ng ating mga tinaguriang “buhay na bayani”,  karamihan pa rin sa kanila ay may problema pagdating sa pinansyal na aspeto sa kabila ng malaking kinikita sa ibang bansa.

Ito ay sanhi na rin ng kawalan ng disiplina pagdating sa pera ng ating mga kababayan o ng kanilang pamilyang iniwan sa Pilipinas.

Habang nagtatrabaho sa ibang bansa, paano nga ba natin sisimulang ayusin ang ating pananalapi?

Ang pinaka-simpleng sagot ay baguhin natin ang mga hindi magagandang nakaugalian natin pagdating sa paghawak ng ating kaperahan.

Para masimulan mo ang pagbabago ng iyong buhay-pinansyal, narito ang 4 Steps para maging maayos ang iyong kaperahan habang nasa dayuhang bayan:


1.)  Alamin ang lagay ng iyong pananalapi

Magkano ang iyong kinikita kada buwan? Magkano naman ang iyong ginagastos kada buwan? Magkano ang dapat mong ilaan para sa savings kada buwan? Ito ang mga tanong na kailangan mong sagutin.

Dapat alam mo ang mga bagay na ito Kabayan, dahil ito ay isang epektibong paraan para malaman mo ang takbo ng iyong pananalapi. Isang simpleng bagay pero hindi nagagawa ng maraming pinoy. Agree?

Financial tip:  Magtabi agad ng 10% ng iyong income sa isang separate bank account sa oras na natanggap mo ang iyong sweldo. Pagkatapos, ilista ang mga bagay na paglalaanan ng iyong pera gaya ng pang-araw araw na gastusin, pambayad sa utang at syempre pa, ang perang pang-suporta mo sa iyong pamilya sa Pilipinas.

Para sa mga expenses, ugaliing unahin ang mga bagay na talagang kinakailangan. Hangga’t maaari, iwasang gumastos sa mga bagay na hindi naman ganoon ka-importante gaya ng mga gadget, mga branded na kagamitan at iba pang mga luho.

Tamang Formula:  Income – SAVINGS = Expenses


2.) Kausapin ang pamilya tungkol sa aspetong-pinansyal

Ang isa pang mahalagang step ay ang ipaalam sa pamilya ang iyong mga planong pang-pinansyal. Mas nakakabuti kung pinag-uusapan ito nang sa gayon ay alam din nila kung saan nakalaan ang perang iyong kinikita kada buwan.

Turuan din silang maging disiplinado sa paghawak ng iyong perang ipinapadala sa kanila buwan-buwan. Huwag mo silang bigyan ng maling impresyon tungkol sa sitwasyon mo sa ibang bansa

Karamihan kasi ng mga OFW ay nagpapakita ng animo’y magandang buhay abroad sa kabila ng totoong sitwasyon na nahihirapan ang mga ito lalo na sa pinansyal na aspeto.

Ang masaklap na katotohanan, maraming pamilya ay inaasa lahat sa kanilang anak o magulang na OFW ang lahat ng kanilang gastusin pati na ang kanilang mga luho.

Dahil sa hindi matanggihan ang mga kamag-anak sa Pinas, Kadalasang inuubos at ipinapadala ng OFW ang lahat ng kanyang pera at hindi na iniisip ang kinabukasan nya at ng pamilya. Dahil sa hindi disiplinado ang pamilya, madali din nauubos ang ipinadala sa kanila.

Maging tapat sa sarili at sa pamilya. Mag-usap tungkol sa pera upang hindi mabalewala ang pinaghirapan mong kita. Pag-usapan kung saan dapat na ilaan ang perang iyong pinapadala at kung paano ito mahahawakan ng tama.


3.) Maglaan ng mga financial goals na tutuparin sa takdang panahon

Ang pagkakaroon ng malinaw at specific na mga financial goals ay nangangahulugan na nais mo ng magandang bukas para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.

Mahalaga na mayroon kang tina-target na mga goals dahil ito ang magsisilbing paalala sayo na dapat kang maging disiplinado sa paghawak ng iyong kaperahan.

Kung gusto mong maging “financially-free”, ang pagkakaroon ng financial goals ay lubos na kinakailangan. Ang isang magandang panimula ay siguruhing wala kang pagkakautang o kung meron man, bayaran agad ito bago ka gumastos sa ibang bagay.
 
At kung nagawa mo na ito, maaari ka ng maghanap ng paraan kung paano mo pa mapapalago ang pera na meron ka. Maaari ka ring maghanap ng ekstrang pagkakakitaan para mapabilis ang pagtupad mo sa iyong mga financial goals.

Maglaan ng specific na financial goals at lagyan ito ng deadline. Halimbawa: P100,000 extra income kada buwan sa loob ng isang taon, mula January 1, 2016 hanggang December 31, 2016.  


4.) Aralin ang ibat-ibang investments

Kung alam mo na ang sitwasyon ng iyong buhay-pinansyal, nakausap mo na iyong pamilya para sa iyong mga plano sa iyong pananalapi at mayroon ka na ring mga financial goals na tina-target, ito na ang tamang panahon para alamin mo ang ibat-ibang uri ng mga investments na magpapalago ng iyong perang pinaghirapan.

Ang pag-iipon ay HINDI sapat! Dapat mong matutunan kung paano palalaguin ang iyong kaperahan. Kung ang lahat ng iyong pera ay nasa savings account, tumutubo lamang ito ng 0.25% hangang 1% kada taon.

Ngunit kung i-iinvest mo ito sa mga investment instruments gaya ng mutual fund o stocks, ang pera mo ay maaaring lumago mula 10% hanggang 20% na interest kada taon.

Nakita mo ang malaking pagkakaiba? Ayos lang na maglagay ng pera sa savings account para sa mga emergency, ngunit para sa iyong mga long-term financial goals, dapat na ilagak ang iyong kaperahan sa mga long-term investments gaya ng stocks at mutual fund.

Habang nasa ibang bansa, aralin ang ibat-ibang paraan ng pag-iinvest. Umattend sa mga seminar na may kinalaman sa tamang paghawak at pagpapalago ng ating pananalapi. Magbasa ng mga libro at mga blog tungkol sa pag-iinvest at pagne-negosyo.

Magsimulang mag-invest at mag-negosyo upang maabot mo ang iyong mga goals at mga pangarap sa buhay. Ang pagkamit ng iyong “financial freedom” na inaasam ay nasa iyong mga kamay! Kumilos ka, Kabayan.
***
Ang pagtatrabaho natin sa ibang bansa ay hindi pang-habambuhay kabayan, kaya paghandaan natin ang panahon na tayo ay magreretiro na at muling magbabalik-bayan.

Kung nais nating maging maayos ang ating buhay-pinansyal kahit sa panahong tayo ay wala ng hanap-buhay, sundin lamang natin ang mga hakbang sa itaas.

Ayaw mo naman sigurong umuwi sa Pinas na wala ka man lang naipon o naipundar na mga investments, ‘di ba?

Ang aking adbokasiya ay maturuan ang kapwa ko OFW na matutong humawak ng kanilang perang pinagpaguran at matutunan ang ibat-ibang paraan ng pagpapalago nito.

Sinisiguro ko na kapag ang lahat ng mga OFW ay natutong mag-invest, maraming pamilya ang aasenso at makakapiling na ang kanilang mga mahal sa buhay na hindi na kailangan pang lumisan sa sariling bayan para lang kumita ng malaki sa ibang bansa.

Kung naniniwala ka sa aking adhikain, ibahagi mo rin ito sa ibang kababayan nating OFW o sa mga pamilyang may kamag-anak na nagtatrabaho abroad.

Gamitin ang mga "sharing icons" na makikita mo sa kaliwang bahagi ng ating site. Salamat! =)


Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog

Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)


To subscribe, CLICK HERE


Read Also:

-7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW Ang Naghihirap
-5 #MalingDiskarte Ng Mga OFWs Pagdating Sa Pera
-10 Tips Sa Pagsasaayos Ng Ating Buhay-Pinansyal



***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".


Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com



Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

3 comments:

Carlo Dominguez said...

Thanks for sharing financial tips! Really helpful:)

Carlo Dominguez said...

Thanks for sharing financial tips! Really helpful :)

Bhonz Dark said...

Salamat po sa information. Malaking tulong to para sa aming OFW.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com