Thursday, April 30, 2015

Paano mag-invest sa UITF?



Welcome Tambayer!

Pinag-usapan natin sa nakaraang post ang ibat-ibang alternatibo sa Stock Market para sa mga kababayan natin na hindi pa handang mag-invest ng direkta sa stocks o sa mga investors na gusto lang ng “diversification” sa kanilang mga investments at isa na nga dito ay ang UITF o Unit Investment Trust Fund. Ngunit ano nga ba ang UITF at paano mag-invest dito?

Ano ang UITF?

Katulad ng Mutual Fund,  ang UITF o Unit Investment Trust Fund  ay isang uri ng “pooled fund” investment kung saan ang pera ng ibat-ibang investor ay ipinagsasama-sama bilang isang pondo at maingat na pinamamahalaan ng isang Professional Fund Manager. Ang pondo ay karaniwang inilalagak ng Fund Manager sa ibat-ibang uri ng investments gaya ng stocks, bonds, government securities, money market, etc.

Ang UITF ay isang uri ng investment na karaniwang ino-offer ng mga banko. Ngunit hindi gaya ng savings account, hindi ito insured ng Philippine Deposit Insurance Corporation(PDIC) dahil ito ay isang ‘Trust’ fund at hindi isang ‘Deposit’. Sa madaling salita, ipinagkakatiwala lamang natin sa kanila(fund managers) ang ating pera at sila na ang bahala kung saan nila ito i-iinvest para lumago.

Kaya naman walang guarantee o fixed rate na kikitain kung mag-iinvest dito, ngunit kung pagbabasehan ang “historical returns” o performance ng UITF sa Pilipinas, nagbibigay ito ng mas mataas na return(approximately 10%-30% for Equity Fund)  kung ikukumpara sa regular na savings account na nagbibigay lamang ng 0.25%-1.0% interest kada taon.

Paalala lang, ang pag-iinvest sa UITF ay pang medium-to-long term horizon. Ibig sabihin, hindi advisable na mag-invest dito kung kakailanganin mo agad ang pera mo sa lalong madaling panahon. Ang dapat na i-invest mo lamang na pera dito ay ang excess money mo lang na gusto mong palaguin sa loob ng 5 taon o higit pa.


Ibat-ibang uri ng UITF

May 3 karaniwang uri ng UITF ang ino-offer ng mga banko at ito ay ang mga sumusunod:

1.)Fixed-Income Fund

Ito ang uri ng UITF na kung saan ang pondo ay ini-invest ng Fund Manager sa mga ‘fixed-income’ investment instrument gaya ng Bonds, Government Securities, Treasury Bills, Money Market, etc.

Ito ay maituturing na “low-risk to moderate-risk” investment at ang mga investor dito ay may goal lamang na mag-invest in a short-to-medium time horizon (1-5 yrs)

Ang Fixed-Income Fund ay karaniwang nahahati sa tatlong(3) options na pwedeng paglagyan ng iyong pera, depende sa iyong objective at time horizon. See the table below.


Money Market Fund
 Gov’t. Sec. Fund
    Bond Fund

Objective

Capital Preservation
Income & Capital Preservation
Income & Capital Preservation

Time Horizon

At least (6) months

At least (3) years

At least (3) years

Investment outlets

Time deposits, SDAs and low risk short-term fixed income securities

Government securities

Short to long-term bonds and similar fixed income securities

Kung ang iyong objective ng pag-iinvest ay hindi tatagal ng isang(1) taon at nais mo lang na may mapaglagyan ng iyong pera ngunit hindi magagalaw ang iyong capital, mainam na ilagay ito sa Money Market Fund.

Sa kabilang banda, kung plano mo na hayaang lumago ang pera mo sa loob ng tatlong(3) taon o higit pa, maaari kang mag-invest sa Government Securities(GS) Fund o di kaya’y sa Bond Fund.

2.)Equity Fund

Ito naman ang uri ng UITF na kung saan ang lahat ng pondo mula sa mga investors ay inilalagak ng Fund Manager ng direkta sa stocks at bumibili ng mga “shares” ng mga publicly-listed companies ng Philippine Stock Exchange(PSE).

Ito ang uri ng fund na nababagay sa mga “aggressive investor” na naghahanap ng mas mataas na return. Ngunit ito rin ang may pinakamataas na “risk” sa lahat ng uri ng fund dahil na rin sa malikot na presyo ng mga stocks sa merkado. Pero sabi nga, “The higher the risk, the higher potential return”

Ang mga participant ng fund na ito ay pinapayuhang mag-invest ng limang(5) taon o higit pa para ma-minimize ang risk ng naturang investment.

3.)Balanced Fund

From the word itself, ito ang fund na “balanced” dahil ang pondo ay karaniwang hinahati sa dalawang(2) parte, ang kalahati ng pondo ay ini-invest ng Fund Manager sa stocks at ang natitirang kalahati ay ini-invest naman sa mga ‘fixed-income’ investment products gaya ng bonds, government securities, etc.

Ito ang uri ng fund na nababagay sa mga investor na may ‘balanced’ risk appetite at handang mag-invest ng tatlong(3) taon o higit pa upang ma-minimize ang risk at ma-maximize naman ang potential return ng kanyang investment.

Sa tingin mo, anong uri ng UITF ang nababagay sayo ka-Noypi?

Tandaan mo, magkakaiba tayo ng risk appetite, ng goals kung bakit tayo mag-iinvest at kung hanggang kailan tayo mag-iinvest. Kaya nasa sayo ang desisyon at tanging ikaw lang ang nakakaaalam kung ano ang nararapat sayo.



Paano kumikita ang nag-iinvest sa UITF?

Marahil tinatanong mo ngayon kung paano ka naman kikita kung ikaw ay mag-iinvest sa UITF.

Tandaan mo, dahil ang UITF ay isang “pondo” mula sa ibat-ibang investors, ang binibili mo dito ay “units” o “shares” mula sa pondong ito. Ang presyo ng isang unit ay tinatawag na NAVPU or Net Asset Value Per Unit.

Araw-araw ay maaaring magbago ang presyo ng NAVPU depende sa galaw ng merkado at kung saan ini-invest ng Fund Manager ang pondo.

Ang Fund Manager ay gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang mapalago ang pera ng mga investor ng nasabing pondo.

Halimbawa, kung ikaw ay nag-invest sa Equity Fund (kung saan ang pera ng mga investors dito ay ini-invest sa stocks), masusi niyang inaaral at binabantayan ang galaw ng presyo sa Stock Market nang sa gayon ay ma-maximize ang kita ng lahat ng participants ng naturang UITF /Equity Fund at syempre dahil dito, tataas din ang NAVPU nito.

Bilang investor ng nasabing pondo, kikita ka sa pagtaas ng NAVPU mula nung una kang bumili ng units nito hanggang sa oras na i-redeem mo na ang shares or units mo.

Halimbawa, Nag-invest ka ng halagang P10,000 noong taong 2010 at nung unang araw na pagbili mo, ang NAVPU ay nagkakahalaga ng P2.00 per unit, dahil dito magkakaroon ka ng 5,000 units (P10,ooo/P2.00 =5,000) at makakatanggap ka ng Certificate of Participation (COP) na nagsasabing nagmamay-ari ka ng 5,000 units ng UITF. Sabihin natin, na hindi ka na nagdagdag pa ng pondo mula noon.

Ngayong 2015, ni-redeem mo na ang iyong 5,000 units at ang kasalukuyang presyo ng NAVPU ay P8.00. Makakatanggap ka ng halagang P40,000 (5000 units x P8.00 =P40,000). Ibig sabihin, pagkalipas ng limang taon, ang capital mong P10,000 ay naging P40,000 na ngayon. Kaya naman, kumita ka na ng P30,000.

Sa kabilang banda, kung hindi ka na talaga nakatiis o sakaling kailangang kailangan mo na yung pera mo at ang kasalukuyang NAVPU ay mas mababa mula ng ito ay iyong binili (Let say, P1.50), syempre lugi ka kapag ni-redeem mo ang shares mo sa ganitong presyo.



Bakit magandang mag-invest sa UITF?

 Narito ang ilang mga benepisyo ng pag-iinvest sa UITF Ayon sa www.uitf.com.ph:

· Diversification - Ang pondo ay nahahati sa ibat-ibang investments kaya naman nami-minimize din ang risk.


·  Liquidity - Bagamat ipinapayo sa mga investors na mag-invest ng matagal na panahon, ang bawat participant ng naturang pondo ay pwedeng mag-redeem ng kanyang units anumang oras.

·  Affordability - Ang UITF ay isa sa pinaka-abot kayang investment kumpara sa iba pang investment instruments. Dahil sa halagang P1000 kada buwan, ay maaari ka ng mag-invest dito.

·   Professional Fund Management - Ang pondo ay pinamamahalaan ng isang prospesyunal na Fund Manager na siyang maingat na naglalagak sa ibat-ibang investments at aktibong sumusubaybay sa galaw ng merkado at ekonomiya.

·   Regulated Product - Ang UITF ay pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

·   Transparency - Anumang oras ay maaari mong malaman ang NAVPU ng pondo kung saan ka naka-invest.



Paano magsimulang mag-invest sa UITF?

Ok Jho, naiintindihan ko na kung ano ang UITF, ang risk nito at ibat-ibang uri ng pondo na pwede kong pag-investan. Pero paano ako magsisimula kung sakaling handa na akong mag-invest at mag take ng risk?

Simple lang ka-Noypi, pumunta ka sa banko na nag-o-offer ng UITF at mag-inquire tungkol dito. In my case, nag-invest ako sa UITF via Banco De Oro (BDO). Nagooffer din ang BPI, Security Bank, Metrobank, PNB, RCBC at Unionbank.

Ang pag-open ng UITF ay kasing-simple lang ng pag-oopen ng savings account. Kailangan mo lang ng valid ID at may mga forms na kailangan mo lang fill-upan at syempre ihanda mo ang pera mo (initial investment) para sa shares or units na bibilhin mo.

Mag-inquire na sa paborito mong banko ka-Noypi! =)
***
That’s it for today! Sa next post, idedetalye ko sayo kung paano ka makakapag-open ng UITF account, mga requirements nito at iba pang impormasyon na makakatulong sayo para makapagsimula kang mag-invest.

Update : Paano Mag-open ng UITF account

Kung may natutunan ka sa ating artikulo, i-share mo na rin sa mga kaibigan mo, kapamilya, kapuso at kapatid. :D

Gamitin ang mga floating 'share' icons sa kaliwang bahagi ng ating site. =)

Ooooppss! Ngapala, Para lagi kang updated sa ating mga artikulo na makakatulong sa paglago ng ating buhay-pinansyal, Huwag mong kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!

To subscribe, CLICK HERE.

Disclaimer : This article is for Information Purpose Only. Invest at your own risk!

Read Also:

(Photo Credit : Sanja Gjenero )



***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com