Monday, March 30, 2015

7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW ang Naghihirap



Welcome Tambayers!

Alam mo ba, ayon sa statistic mula sa gobyerno ay mayroong 10 milyong Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa ibat-ibang panig ng mundo? Ito ay kumakatawan sa 10% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na may bilang na humigit kumulang sa 100 milyon (As of July 2014).

Bakit ganito kalaki ang bilang ng mga OFW? Maaaring ilan sa mga kadahilanan ay ang kakulangan ng oportunidad ng trabaho sa bansa at ang maliit na pasahod ng mga kumpanya. Kaya naman marami sa mga kababayan natin ang napipilitang mangibang-bayan at nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya.

Tayong mga Pinoy ay handang magsakripisyo na malayo sa mga mahal natin sa buhay alang-alang sa kanilang kapakanan, ang maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan at maranasan ang marangyang buhay. Sa sobrang pagmamahal natin sa kanila, ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para may sapat na maipadala sa pamilya. Tayo ay maituturing na pinaka-masipag , pinaka-magaling at pinagkakatiwalaan na manggagawa, kaya naman tayo ay kinikilala saan mang sulok ng mundo.

Ngunit nakakapagtaka lamang dahil sa kabila ng ating talino at kakayanan, ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang umuuwing luhaan. Sa kabila ng malaking sahod sa ibang bansa, Bakit marami pa rin sa pamilyang OFW ang may problema sa pera? Bakit karamihan pa rin sa pamilyang OFW ay hindi nakakaahon sa kahirapan gayong di hamak naman na mas malaki ang kinikita nito sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas?

Ang ating mga kawawang OFW ay patuloy na pabalik-balik at kumakayod pa rin sa ibang bansa na para bang wala ng katapusan para lamang kumita ng pera para sa pamilya.

Mayroon akong nakikitang 7 dahilan kung bakit marami pa ring pamilyang OFW ang naghihirap.
   
      1.)  Baon sa utang

Karamihan ng mga OFW ay may mga naiwang utang bago umalis ng bansa. Perang inutang para pang-aplay sa mga agency, pang-requirements at pambayad ng Placement fee. Ngunit nang nakaalis na at nakapag-abroad, di naman agad binayaran ang mga pinagkakautangan bagkus ipinadala agad sa pamilya at pinambili ng kung anu-anong bagay para sa sarili.

Kaya naman imbes na mabawasan ang utang ay lalo lamang ito nadadagdagan. Lalo na kung inutang mo ito sa mga lending company o bumbay, dahil tumutubo lamang ito ng tumutubo at palaki ng palaki ang utang mo kapag di mo agad ito nababayaran sa takdang panahon.

        2.)  Hindi nagpa-plano

Ang isa pang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang pamilyang OFW ay dahil sa kawalan ng plano lalo na sa pang-pinansyal na aspeto. Bago umalis ng bansa, ang unang nasa isip ng kababayan nating OFW ay kung ano ang mga bibilhin pagkatanggap ng unang sweldo imbes na planuhing mabuti kung saan dapat mapunta ang perang pinaghirapan.

Ang hindi pagpa-plano ay mauuwi lamang sa labis na pag-gastos o hindi tamang pag-gamit ng pera habang nasa ibang bansa. Marapat na bago tayo umalis ng Pinas ay pina-plano na natin na kung magkano ang ilalaan natin na ipapadala sa pamilya at huwag kalimutang magtabi ng ilang bahagi para sa savings at investments.

        3.) Ubos-ubos biyaya

Dahil sa unang pagkakataon ay nakatikim ng malaking sweldo ang kababayan nating OFW, kadalasan ay nagiging resulta lamang ito sa labis na pag-gastos o pagbili ng mga bagay na magbibigay sa kanya ng pansamantalang kaligayahan lamang gaya ng pagbili ng mga bagong gadget, damit , relo, sapatos, at iba pa.  Unti unting nararamdaman ni OFW na may kakayahan na siyang mabili ang mga bagay na di nya kayang bilhin nung siya ay nasa Pinas pa lamang.

Hindi na lang namamalayan ng ating kaibigang OFW na puros sa gastos na lang pala napupunta ang kanyang perang pinaghirapan at walang naiipon para sa kinabukasan. Akala siguro niya ay wala ng katapusan ang pagtatrabaho nya sa dahuyang bansa. Kaya sa bandang huli ay uuwi na lamang na walang naipundar o naipon man lamang.

       4.) Padala dito, padala doon

Kagaya ng nauna(ubos-ubos biyaya), kung hindi para sa sarili ay inuubos naman ng ating mga magigiting na OFW ang lahat ng kanilang pera para sa pamilya. Padala dito, padala doon! Wala ng itinitira para sa sarili. Di bale ng magtiis sa ulam na de-lata o tuyo, basta ang pamilya ay nakakakain kada linggo sa Jollibee o McDo.

Walang mali sa pagsuporta sa pamilya, ngunit tandaan mo, ang lahat ng sobra ay nakakasama. Matutong maglaan para sa sarili hindi lamang para sa pamilyang naiwan mo. Huwag pabayaan ang sarili habang nasa ibang bansa dahil tandaan mo, ang katawan mo ang pinakamahalagang asset na meron ka. Mababale-wala lahat ng pinapadala mo kung bibigay naman ang kalusugan mo.

        5.) Iresponsable ang pamilyang naiwan

Ito ang masaklap na katotohanan para sa mga kababayan nating nagpapakahirap sa ibang bansa. Ang hindi tamang paghawak at pag-gamit ng perang ipinapadala sa pamilya. Kung saan-saan lamang napupunta ang pera at ibinibili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Ang masaklap pa, akala yata ng naiwang pamilya sa Pinas ay ATM ang mga OFW na kapag kailangan nila ng pera , isang tawag lang ay papadalhan na agad ito.

Lalo pang magpapasakit sa loob ng mga OFW ay kapag ang lahat ng miyembro ng pamilya ay nakadepende at umaasa lamang sa padala ng kawawang OFW. Kaya sa mga kababayan natin abroad, magpadala lamang ng sapat para sa pamilya at turuan natin silang maging responsable sa pera na ipinapadala natin sa kanila.

           6.) Nabibiktima ng mga financial scams

Dahil sa paghahangad na makaahon sa kahirapan at makauwi na sa sariling bansa ng ating mga kababayang OFW, karamihan sa kanila ay nahuhulog sa mga financial scams mula sa mga taong mapagsamantala. Sila ang pangunahing nabibihag ng mga matatamis na pangako ng mga manloloko at binibiktima ng mga ito dahil na rin higit na malaki ang kinikita ng mga OFW kumpara sa mga nagtatrabaho sa Pinas.

Minsan, hindi natin masisisi ang mga OFW na sumugal sa mga ganitong investments scheme dahil na rin sa pagnanais na matapos na ang paghihirap na malayo sa pamilya at mahal sa buhay dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Payo lang sa mga kababayan natin na suriing mabuti ang papasuking investment o negosyo upang hindi maglaho ng parang bula ang perang pinagpaguran mo.

       7.)  Kakulangan sa kaalamang pinansyal

Ang nakikita kong pinaka-ugat kung bakit marami pa rin ang hindi makaahon sa kahirapan ay dahil sa kakulangan sa kaalamang pang-pinansyal ng ating magigiting na OFW pati narin ng kanilang mga pamilyang iniwan sa Pinas. Walang saysay ang pagtatrabaho natin sa ibang bansa kung mauuwi lang din sa wala ang pera nating pinaghirapan. Matutong mag-ipon at mag-invest para sa mas magandang kinabukasan nating mga OFW at ng ating pamilya.

Habang nasa dayuhang bansa, i-educate ang sarili sa tamang pagpaplano ng ating pera sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminar na magtuturo sa atin ng tamang paghawak ng ating kaperahan. Magbasa ng mga libro tungkol sa financial management at alamin ang ibat-ibang paraan ng pagpapalago ng ating pera sa legal at mahusay na paraan.


(Photo credit: Google images)
***
Nagustuhan mo ba ang artikulo natin sa araw na ito? 

Share it also with your friends & family ka-Noypi. =)

Use our sharing icons na makikita mo sa kaliwang bahagi ng ating site.

Pwede ka ring mag-iwan ng iyong komento sa ibaba kung meron kang nais na idagdag na alam mong posibleng dahilan kung bakit marami pa ring pamilyang OFW ang di pa rin umaasenso sa buhay.

Huwag mo rin palang kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi! =)

Para lagi kang updated sa ating mga blog posts na makakatulong sa pag-lago ng ating buhay-pinansyal. :)

Hanggang sa muli, Kitakits tayo ulit sa susunod na post ka-Noypi! =)


To Subscribe via email, CLICK HERE


Related Post :

Top 6 Ugaling Pinoy Na Pumipigil sa pag-asenso
10 Tips sa Pagsasaayos Ng Ating Buhay-Pinansyal
- The Rule of 72!




P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com