Tuesday, October 14, 2014

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) -- Sasakay ka ba o Magpapaiwan?

photo credit

Welcome Tambayers!

Alam mo ba na dito sa Pilipinas ay may
6-9 na bagyong dumarating taon-taon?

Naranasan na natin ang sobrang taas
ng baha, marami ang mga na-stranded at 
mga naapektuhang pamilya dahil sa bagyo..

Speaking of bagyo,
Kwentuhan muna kita tungkol sa bagyo..
at kay Michael..

Isang gabi may malakas na bagyong
dumating at umulan ng walang tigil.

Nagsilikasan na ang lahat pero may isang
naiwan at na-stranded sa bubong.

Si Michael.

Sobrang kaba nya na baka yun na yung
huling araw nya, kaya ang ginawa nya
nagdasal sya ng mataimtim.

Habang nakatingin sa langit, pinagdasal nya
na sana ay maligtas sya at bigyan pa sya
ng pangalawang buhay.

Pagtapos ng ilang minuto, may dumating na
bangka na may 3 lalaki na nakasakay.

Niyaya sya nung mga lalaki na sumakay para lumikas.

Pero tumangi sumama si Michael at ang sabi nya

...Mauna na kayo dahil ililigtas ako ni Lord.

Isang oras ulit ang dumaan, at may dumating
naman na life boat, ang sabi nung mga tao sa lifeboat,

..."Sumakay ka na kasya pa ang isa, lumikas na tayo."

Tumangi ulit sya at ang sabi nya

...Mauna na kayo, ililigtas ako ni Lord.

Lalong lumakas yung bagyo, at halos aabot
na yung baha sa bubong ng bahay.

Sumunod na dumating ay isang Helicopter.

Ang sabi nung mga tao sa helicopter,

...Sumakay ka na, aapaw na yung tubig!.

Nagmatigas pa rin si Michael, at ang sinabi nya lang

...Umalis na kayo, ililigtas ako ni Lord!.

Sa sobrang lakas ng hangin napilitan umalis kagad yung helicopter.

Naiwan syang magisa.

After ng ilang oras, tuluyan ng umapaw ang tubig baha.

Nalunod at NAMATAY si Michael.

Pagdating nya sa langit, ang unang sumbat kagad nya ay

Lord nagdasal ako ng mataimtim,

bakit hindi mo sinagot yung panalangin ko,

bakit mo ko pinabayaan at bakit di mo ko niligtas?


May malakas na boses syang narinig

At ang sabi

Nagpadala ko ng bangka, life boat at helicopter
para sagipin ka, pero pinalampas mo lang lahat.

Bakit ka nagpaiwan?

*****

Minsan katulad din natin si Michael

Humihiling at nagdadasal tayo na sana dumating na
yung magbibigay satin ng magandang pagbabago.

Minsan nagdadasal tayo na sana dumating na
yung magpapaganda ng sitwasyon natin sa buhay.

Minsan nagdadasal tayo na sana dumating na
yung magaahon satin mula sa pagkakalubog.

Minsan nagdadasal tayo na sana dumating na
yung tutulong satin para yumaman o umasenso.

Hindi aksidente na napunta ka sa website na to.

Hindi aksidente na binasa mo ang sulat na to.

Ngayon nakita mo to. Isang posibleng sagot sa mga hiling at dasal mo.

Ang tanong Sasakay ka ba o palalampasin mo lang rin ito?

Wag kang magpapaiwan.

***
P.S. Kung naghahanap ka ng sasakyan na magdadala sayo tungo sa magandang pagbabago sa buhay mo, naghahanap ako ng mga taong tutulungan na gustong magkaroon ng sariling online negosyo at willing na makinig para matuto at handang gawin ang lahat para maging successful,


Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com