Tuesday, October 7, 2014

10 Tips Sa Pag-buo Ng Emergency Fund




Welcome Tambayers!

Lagi natin pinapaalala sa ating mga readers na bago pasukin ang anumang investments ay paglaanan muna ang tinatawag na Emergency Fund.

Ano nga ba ang Emergency fund at bakit mahalaga ito sa aspeto ng ating buhay-pinansyal?

Let's talk about How to build an Emergency Fund at paano mapapabilis ang pagbuo nito.


Ano ang Emergency Fund?

Ang Emergency Fund ay isang pondo ng pera na nakalaan “lamang” para sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Ang ilang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

  •          Biglaang pagkatanggal sa pinapasukang trabaho.
  •          Biglaang pagkakasakit ng miyembro ng pamilya.
  •          Biglaang pagkamatay ng mahal sa buhay.
  •          Biglaang pagkasira ng mga ari-arian gaya ng bahay, kotse, etc.

       At kung anu-ano pang mga “Biglaan” sa buhay mo.

Gaya nga ng mga halimbawa sa itaas, Ang Emergency Fund ay para sa mga “Biglaan”!
Kaya kung ayaw mong mabigla pati ang bulsa mo, dapat mo itong paghandaan! :)

Mas maiging paghandaan na NGAYON pa lang ang mga bagay na ito kaysa pagsisihan kung huli na ang lahat.  Dahil may mga bagay talaga na hindi natin kayang hulaan kung ano ang pwedeng mangyari.

Hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo mananatili sa kumpanyang pinagtatrabahuan.

Hindi natin masasabi kung kailan magkakasakit ang miyembro ng ating pamilya.

Hindi natin masasabi kung kailan masisira ang bubong ng bahay, ang kotse o ang iba pang mga ari-arian.

Sa Investing, ipinapayo rin na maglaan ng Emergency Fund bago pumasok sa kahit anumang uri ng investments upang hindi natin magalaw ang ating pera na nakalaan para dito kung sakaling may mga “Biglaang” pangyayari na dumating sa buhay natin gaya nga ng mga nabanggit sa itaas.

Magkano ang dapat ilaan para sa Emergency Fund?

Ayon sa mga Financial Experts, maglaan ng katumbas ng tatlo hanggang anim na buwanang gastos para sa ating Emergency Fund. Halimbawa, kung ang iyong buwanang gastos ay 10,000 maglaan ng halagang 30,000 - 60,000 para sa iyong Emergency Fund.

Kapag nabuo mo ito, hindi ka na mababahala sa mga biglaang pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahan. Kung mawalan ka man ng trabaho ngayon, may Emergency Fund kang madudukot para magamit mo sa iyong pag-aaplay ng bagong trabaho at kung may magkasakit sa isa sa miyembro ng iyong pamilya, hindi masisira ang budget mo dahil mayroong kang inilaan na pondo para sa mga ganitong senaryo.

Paalala : Ang credit card ay hindi Emergency Fund! At ang “sale” sa mga mall o pagbili ng mga bagong gadget ay hindi maituturing na emergency. :D


Ang 10 tips upang mapabilis ang pagbuo ng Emergency Fund

  1. Obserbahan ang pag-gastos
Ilista ang mga gastusin sa loob ng isang buwan sa isang papel o notebook (dahil nasa digital world na tayo, nariyan na ang Microsoft Excel), upang maobserbahan ang habit ng ating pag-gasta. Bakit importante ito? Dahil madalas, may mga bagay tayong mga binibili na sa bandang huli, mare-realize natin na hindi pala talaga natin kailangang bilhin. Mainam na i-priority ang Needs kaysa Wants.

  1. Maglaan ng buwanang budget
Pagkatanggap mo ng iyong buwanang sweldo, ugaliing itabi agad ang ilang bahagi ng iyong sweldo para sa Emergency Fund. Maglaan ng 5-10% ng iyong income at ilagay ito sa isang separate savings account na pwede mong paglagyan ng iyong pondo. Sa ganitong paraan, nasisigurado mo na agad na makakabuo ka paunti-unti ng iyong Emergency Fund.

  1. Magbenta ng mga bagay na hindi mo na nagagamit
Mag- “Garage Sale”! Tumingin sa iyong kabinet baka naman may mga damit, pantalon o mga bag kang hindi mo na nagagamit, pwede mo itong ibenta para sa extra income na pandagdag sa iyong Emergency Fund.

  1. Bawasan ang pagkain sa mga Resto
Kaysa kumain sa labas, mas makakatipid kung magluluto at kakain na lang sa bahay kasama ng iyong pamilya. Mainam din na magbaon ng packed lunch kapag papasok sa iyong trabaho. Hindi naman masama na minsan ay tumanggi sa anyaya ng barkada na kumain sa labas. Makakatulong din kung sasabihin mo sa kanila ang iyong goal.

  1. Maglakad o mag-bisekleta
Kung malapit lang naman sa inyong lugar ang palengke, bakit hindi mo na lang ito lakarin o gumamit ng bisekleta kaysa sumakay ng jeep. Mainam na ito sa ating kalusugan, matipid pa sa bulsa! Pandagdag din ito sa ating binubuong Emergency Fund. :)

  1. Maghanap ng extrang pagkakakitaan
Makakatulong din sa pagbuo ng ating Emergency Fund ang pagkakaroon ng second source of income. Sa panahon ngayon, hindi mo na kailangang lumabas ng bahay para dagdagan ang iyong kita. Kahit nasa bahay ka lang pwede kang kumita ng extra income para makadagdag sa iyong binubuong pondo. Maghanap ng mga online jobs o affiliate program na kung saan magbebenta ka ng produkto ng iba at kumita ng commissions.

  1. Itabi ang extrang pera
Kung makatanggap ka ng bonus sa iyong kumpanya o nadagdagan ang iyong sweldo, huwag baguhin ang iyong lifestyle, bagkus itabi ito at idagdag sa iyong Emergency Fund. Makakadagdag din ang pag-o-overtime sa trabaho ngunit siguruhin lang na hindi maapektuhan ang iyong kalusugan.

  1. Magtipid sa kuryente at tubig
Kung makakatipid tayo sa ating mga utilities, mayron ding tayong mai-save na extra para makadagdag sa ating Emergency Fund. Kung wala namang laman ang Ref, maiging i-off na lamang ito. Gayundin, Huwag iwang nakabukas ang aircon kung lalabas ng bahay at siguruhin ding walang tulo ang mga gripo. Mainam din na i-cut ang subscription sa cable tv kung hindi rin naman ito nagagamit.

  1. Ipagpaliban ang bakasyon
Kung may schedule kayo ng yearly vacation ng iyong pamilya, maaaring ipagpaliban muna ito ngayong taon habang hindi mo pa nabubuo ang iyong Emergency Fund. Maaari ding mamasyal na lamang kasama ng pamilya sa mga pampublikong pasyalan na malapit sa inyong lugar kaysa mag out-of-town o di kaya’y mag movie marathon na lamang sa loob ng inyong bahay. Magandang bonding pa rin ito ng pamilya. Agree? :)

  1. Maki-halubilo sa mga taong may iisang misyon
Mas mapapabilis ang iyong pagbuo ng Emergency Fund kung ang mga taong nakapaligid sa iyo ay pareho mo ring bumubuo ng naturang pondo. Mas namo-motivate ka na mag-save at pwede mo itong ituring na challenge para maging committed kang gawin ito ng buong puso. :)

That’s it Pansit! Kung mayroon ka pang gustong idagdag sa ating mga tips, i-comment mo lang sa ibaba para makatulong sa ating mga tambayers. :)

Kung nagustuhan mo ang ating blog post at gusto mo pang makatanggap ng iba’t-ibang tips na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal…Subscribe na sa DizkartengNoypi!


Maaari mo ring i-share ang post na ito sa iyong facebook friends, twitter followers & google+ circles. Gamitin ang mga floating sharing icons na makikita sa kaliwang bahagi ng ating blog.. :)

Maraming Salamat! 

Tambay ka lang ulit sa Tambayan ng madiskarteng Pinoy! :)

(photo credit : google images)



***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com



Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com