Friday, September 5, 2014

Happy 1st Blogaversary, Dizkarteng Noypi!!!





Welcome Solid Tambayers!!! :D

September na! Yahoooooooo! ibig sabihin nyan, it's our birthday na! :)

Parang kailan lang, isang taon na pala tayong magkakasamang tumambay dito sa tambayan ng madiskarteng pinoy... ang Dizkarteng Noypi blog! 

Isang taon na puno ng mga bagong kaalaman at kamulatan sa usaping pinansyal. 
Nawa'y patuloy nyo akong samahan sa ating paglalakbay patungo sa pinakaasam-asam nating "Financial Freedom"!

Ang ating blog ay naging daan sa maraming pinoy na mabago ang pananaw sa usapin ukol sa pera at nagsilbing gabay ng mga "ordinaryong pinoy" na matutunan ang ibat-ibang pamamaraan ng tamang paghawak at pagpapalago ng ating pananalapi sa pamamagitan ng mga artikulo na madaling maunawaan  ng ating mga kababayan.

Patuloy na maghahatid ang inyong lingkod ng mga makabuluhang artikulo na magpapaunlad sa ating buhay-pinansyal at iba pang aspeto ng ating buhay. :)

Maraming salamat sa walang sawa nyong pagtambay at pagtangkalik sa ating blog sa nakalipas na isang taon at pagsuporta sa ating adhikain na maipakalat ang financial literacy sa lahat ng ating mga kababayan saan mang sulok ng mundo.


Nais ko na ring samantalahin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa mga kapwa nating blogger na nag-nominate sa ating blog na mapasama sa listahan ng "Top 10 Emerging Influential Blogs 2014", isang writing project na pinangungunahan ni Ms. Janette Toral ng DigitalFilipino.com

Thank You Guys! :)

Maraming Salamat po sa inyong pagtitiwala mga ka-Noypi! :)

At dahil dyan, nais ko kayong handugan ng munting regalo ngayong anibersaryo ng ating blog na tiyak na magiging kapaki-pakinabang upang maabot ang ating mga pinapangarap sa buhay.

Ang maswerteng mananalo sa ating pa-raffle ay maaaring mamili alin man sa mga ito:

1.) FREE 6-months subscription for Truly Rich Club (Gold Membership)  (Worth P3,000)

2.) FREE lifetime membership for International Marketing Group(IMG)-Truly Rich Maker team (Worth P3,700)

Pero teka, wait, ano nga ba ang magiging benepisyo ko sa pagsali sa Truly Rich Club o IMG?

1.) Truly Rich Club - isang membership site na sinusuportahan ni Bro. Bo Sanchez kung saan ang mga miyembro nito ay ginagabayan upang maging "Truly Rich".

Kapag naging myembro ka ng Truly Rich Club (Gold Membership), narito ang ilang mga benepisyo na iyong matatanggap (source : trulyrichclub.com)
  1.  Receive 2 PowerTalks every month (instant access via MP3)
  2.  Receive Bo’s Success Mentors Collection (1 every 3 months for 1 Year)--FREE
  3.  Receive WealthStrategies newsletters every month--FREE
  4.  Receive Daily GodWhispers Email--FREE
  5.  Receive How To Be Truly Rich Seminar--FREE
  6.  Receive How To Conquer Your Goliath Ebook--FREE
  7.  Receive How To Turn Thoughts Into Things Ebook--FREE
  8.  Earn Passive Income by being Bo’s Affiliate in the TrulyRichClub
  9.  Earn Passive Income with Bo’s other Internet Work
  10. Receive My Very Practical Ebook, My Maid Invests In The Stock Market...And Why You Should Too.--FREE
  11. Receive My Stocks Update. --FREE
To learn more about the Truly Rich Club, click HERE.

2.) International Marketing Group (IMG) - Isa sa pinakamalaking financial distribution company sa US, Canada, Taiwan, Hongkong, Philippines at sa iba pang panig ng mundo. Ang kanilang layunin ay tulungan ang bawat pamilya na makamtan ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon ukol sa pananalapi at mga oportunidad ng negosyo. (source : http://bit.ly/IMG-DizkartengNoypiFreeFinancialSeminar)

Kapag ikaw ay naging myembro ng IMG, ma-a-avail mo na ang kanilang 33-modules seminar na hinati-hati sa tinawatag na "series" . Ito ay series ng mga financial seminars na kung saan itinuturo dito ang tamang paghawak ng pera at pagpapalago nito, gaya ng pag-iinvest sa mutual funds, stock market at ibapa.

Para ka na ring nag enroll sa isang exclusive business school sa halagang P3,700 lamang na kung saan matututunan mo ang tamang financial management, financial planning at iba't ibang investment at business opportunities.

Narito ang ilang mga “topics” na tatalakayin sa seminar na nakapaloob sa unang module :

 Practical Money Management Strategies
- The X-Curve Concept: The Blueprint of Financial Planning
- The Six (6) Steps to Financial Freedom
- How Money Works
- Investment Strategies
- How to Build a Solid Financial Foundation
- How to Create Millions with P1,000/month investment

Financial Planning and Goal Setting Workshop
- Types of Goal-Setters
- What Financial Stage Are You in?
- Powerful Strategies to Achieve Your Financial Goals
- How to Increase Your Cash Flow
- How to Have a Total Financial Peace of Mind
- How to Become Your Own Financial Expert

Other Topics You Can Learn:
- Getting Out of the Debt Trap
- Investment Principles
- The Spiritual Side of Money
- The Winner’s Mindset
- Estate Planning
- Health Management


To learn more about International Marketing Group (IMG) , click HERE.

Paano sumali sa ating pa-raffle?

Upang makasali sa ating pa-raffle, sundan lamang ang mga steps na ito:

Step 1 : Mag-sign up sa ating registration form. punta ka DITO.

Step 2 : Mag-login sa ating Rafflecopter widget sa ibaba upang makapasok sa ating raffle.

Step 3: i-Like ang Dizkarteng Noypi Facebook page.

Step 4: i-Follow ang Dizkarteng Noypi sa Twitter.

Step 5: Mag-iwan ng komento sa comment box sa ibaba kung ano ang pinipili mo bilang premyo. Ang membership ba sa Truly Rich Club o ang membership sa IMG?


***Validation***

- 1 entry per person only.

-Ang maaari lamang sumali ay mga tambayers ng Dizkarteng Noypi na hindi pa myembro ng Truly Rich Club o IMG.

- Kung ikaw ay myembro na ng Truly Rich Club, ang maaari mo na lamang piliin ay ang free membership sa International Marketing Group(IMG).

-Kung ikaw ay myembro na ng IMG, ang maaari mo na lamang piliin ay ang free membership sa Truly Rich Club.

***Promo Period***
-Ang ating promo ay maguumpisa sa September 5, 2014 at magtatapos sa September 20. Ang mananalo ay makakatanggap ng email mula sa akin, ng mga hakbang na dapat gawin upang makapag-join sa Truly Rich Club o sa IMG.

Goodluck. Happy Anniversary ka-Noypi!!! :D

a Rafflecopter giveaway


Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com