Monday, December 2, 2013

Mga Investing Strategies sa Stock Market at ang SAM ng TrulyRich Club




Magandang araw mga ka-Noypi!

Sa nakaraang post, ipinakilala ko sa inyo ang TrulyRich Club at ang mga benepisyo ng pagsali dito. Kung hindi mo pa nabasa ang post na ito, punta ka DITO.

Ngayon, pag-usapan naman natin ang ibat-ibang estratehiya ng pag-iinvest sa stock market at kung ano ang investing strategy na ginagamit ng TrulyRichClub.



Mga Investing Strategies sa Stock Market at ang 

SAM ng TrulyRich Club

{photo credit}

Sa Investing, may dalawang klase kung papaano kang nag-iinvest sa stock market. Ang Passive Investing at ang Active Trading. Ang Active Trading ay ang pagbili ng stock ng company ngayon at bukas o sa makalawa ay ibebenta na agad ito. Sa madaling salita, sila ay pang short term lamang at ang tanging concern nila ay ang pag-galaw ng presyo ng partikular na stocks.

Kabaligtaran naman ng Active Trading ang Passive Investing, kung saan ang mga Passive Investor ay bumibili ng stock ng company in a long term basis, ibig sabihin ang mga ito ay nag-iinvest in a regular period(let say monthly or quarterly) na tumatagal ng 10, 15 or 20 taon o higit pa.

Ang TrulyRichClub ay advocate ng Long- term investing, dahil naniniwala ang club, na ito ang susi upang makamit natin ang pinaka-mimithi nating Financial Freedom.


Anu-ano ba ang mga Investing Strategies na ginagamit sa Stock Market?
 
Mayroong tatlong “basic” investing strategies na ginagamit sa Stock Market, Ito ay ang mga sumusunod:

(1)     MARKET TIMING

Tinatawag din itong short-term trading. From the word itself, ito ang strategy na ginagamit ng mga short-term traders na kung saan bumibili sila ng stock ng kumpanya sa loob lamang ng ilang araw at pagkatapos ibebenta rin agad ito sa loob lang din ng ilang araw.

Sila ay aktibong nakatutok sa umaatikabong aksyon sa stock market at masusi nilang binabantayan ang galaw ng presyo ng mga stocks ng kumpanya upang kapag may oportunidad na mabili nila ang stock sa mababang presyo at mabenta nila ito sa mataas na presyo pagkalipas ng ilang araw (o minsan kahit pagkalipas lang ng ilang oras) ay susunggaban nila ang pagkakataong ito. :)

Ngunit paalala lang, sa estratehiyang ito maraming namumulubi sa stock market. (Ayon sa history, 85% ng short term traders ay nalulugi sa stock market).

Sa estratehiyang ito, maaari kang maging milyonaryo sa loob lang ng ilang araw, pero maari ka ring mamulubi sa loob lang din ng ilang araw.(kaya esep-esep kung para sayo ang ganitong strategy)  :)

Kung nais mo talaga ng ganitong strategy, kailangan mong maglaan ng malaking halaga ng pera na “kaya mong ipatalo” at ng mahabang oras para dito at pag-aralan ang tinatawag na Technical Analysis. Ang Technical Analysis ay ang pag-aaral sa galaw ng presyo ng stocks na gumagamit ng mga “chart” at “indicators” upang ma-predict ang posibilidad na pagtaas o pagbaba ng partikular na stock.(take a look at the chart below)


{photo credit}

Hindi ko na idedetalye dito kung paano basahin ito.Kung nais nyo talagang matutunan ito, Ang COL ay nagco-conduct ng FREE seminars about Technical Analysis sa kanilang office sa ortigas. For the schedules of seminars, click HERE


(2)     BUY & HOLD

Kung gusto mo ng “stress-free” investing, ito ang bagay sayo. Dahil sa strategy na ito, hindi mo kailangang bantayan ang galaw ng merkado. Ang Buy & Hold strategy ay ang estratehiya ng investing na kung saan mag-iinvest ka sa stock market ng isang bagsakan lang. Tinatawag din itong “Buy & Forget” dahil pagkatapos mong ilagay ang pera mo sa stock market, “kakalimutan” mo na ito at hahayaang lumago ang pera mo hanggang sa kailanganin mo na ito pagkalipas ng 10, 15, 20 taon o higit pa.

Maganda itong strategy na ito kung mayroon kang hawak na malaking pera ngayon na hindi mo naman kakailanganin sa lalong madaling panahon, kaysa ilagay mo sa banko (na may 1-2% lamang na interes), mas mabuting ilagay ito sa stock market na magbibigay sayo ng mas malaking returns in a long run.

 (Babala : Ang pag-invest sa Stock Market ay may kaakibat na malaking Risk. ibig sabihin, walang guarantee na kikita ka dito, pero ayon sa History, malaki ang returns kapag nag-invest ka dito in a LONG TERM.)

Sa Buy & Hold Strategy, mas mabuting mag-invest sa mga kumpanyang “subok” na at nananatiling matatag sa kabila ng mga krisis na nangyari sa bansa sa mga nakalipas na mga taon at patuloy na nag-e-expand ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagsisimula o pagbubukas ng mga bagong produkto o serbisyo . Ang ilang halimbawa ng mga “Higanteng Kumpanya” sa kanilang industriya, na nababagay sa Buy & Hold strategy ay ang mga sumusunod:

      •  Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT)

Ang PLDT ay kilala bilang service provider ng ating mga telepono at kalaunan ay nag-expand sila ng kanilang negosyo at ngayon, provider na rin sila ng internet at cellular services.Pagkalipas ng ilang taon, nabili rin nila ang kanilang karibal na kumpanyang Sun Cellular. (Source : Stockmarket Jumpstarter)

      •   Jollibee Foods Corporation (JFC)

Ang Jollibee ay nagsimula lamang sa pagtitinda ng ice cream, hanggang sa nagbenta na rin sila ng hotdog.pagkatapos ng hotdog, dumating naman ang “Yum burger” at ang pamosong “Chickenjoy”. Patuloy pa rin silang nag-expand ng kanilang negosyo at binili ang Greenwich, at iyon na ang naging hudyat ng pagpasok nila sa pizza-pasta business.At ngayon, pag-aari na rin nila ang Chowking, Red Ribbon, Burger King Philippines at ang latest addition sa kanilang list of companies, ang Mang Inasal(Source : Stockmarket Jumpstarter)

      •    San Miguel Corporation (SMC)
Naging popular ang San Miguel sa kanilang world-famous na San Miguel Beer.Bukod sa sikat na beer na ito,nag-expand din sila at bumili ng mga kapwa kumpanya. Pag-aari din ng San Miguel ang Meralco, Philippine Airlines(PAL) at Petron Corporation.Dahil dito, maituturing na matatag at malaking kumpanya ang San Miguel na nababagay sa Buy & Hold strategy.(Source : Stockmarket Jumpstarter)

  
      •    At marami pang iba…
Tumingin ka sa paligid mo.Sinu-sino o anong mga kumpanya ang matatag at sikat pagdating sa kanyang industriya, na kahit dumaan man ang iba’t-ibang krisis ay nananatili pa ring nakatayo. Halimbawa :

Sa mga banko? Nariyan ang BPI, BDO at Metrobank!.
Sa mga malls? Nariyan ang SM at Ayala malls!

Ano ang naiisip mo : Sa Property Development? Sa Supplier mo ng kuryente at tubig? Sa ginagamit mong sabon? Sa kinakain mong sitsirya? Etc..etc…etc…

                               
(3)     PESO-COST AVERAGING

Ang Peso-Cost Averaging ang pinaka-simple, ligtas at epektibong investing strategy upang kumita sa stock market. Ngunit ito rin ang pinaka-boring sa lahat(hmm..) Bakit? Dahil ang Peso-Cost Averaging method ay ang pag-iinvest ng “fixed” amount of money in a “fixed” interval (pwedeng monthly, twice a month, quarterly, semi-annually or annually) sa isang partikular na stock at gagawin mo ito sa mahaaaaaaaaaaabang panahon! 10, 20 or even 30 years! 

Sa strategy na ito, patuloy kang bibili ng stock ng kumpanya anuman ang presyo nito.Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangang bantayan ang galaw ng merkado. At dahil nga fixed amount ang iniinvest mo, kapag mababa ang presyo ng stock, mas marami kang mabibiling shares, at sa kabilang banda, kapag mataas naman ang presyo nito, konti lang ang mabibili mong shares. Ang “average” ang kinukuha dito.Halimbawa, nag-invest ka sa partikular na kumpanya sa loob ng anim na taon sa fixed na halagang P50,000 every year.tingnan ang halimbawa sa ibaba:

{photo credit}

Ayon sa halimbawa sa itaas,kung mapapansin mo, pabago-bago ang presyo ng stock,at dahil fixed amount ang iniinvest mo kada taon, mas marami kang nabibiling shares kapag mura ang presyo nito at kapag mahal naman ang presyo nito, mas konti lang ang mabibili mong shares.

Ngunit sa loob ng anim na taon mong pag-iinvest ng P50,000 every year sa partikular na stock, ang total na puhunan mo ay umabot sa halagang P300,000 at ang total shares na iyong nabili ay umabot sa 116,666.70 shares. Kung ang huling presyo nito bago mo ibinenta ang iyong stock ay P5/share, ang total na pera mo ay aabot sa halagang P583,333.50. Kung ibabawas mo ngayon ang naging puhunan mo na P300,000, kumita ka na ng P283,333.50!

Pwede na ba? sa anim na taon lang yan, maaaring mas malaki pa kung 10, 20 or 30 years.. :)


Yan ang tatlong basic investing strategies na ginagamit sa Stock Market.

Pero teka, eh anong strategy ang ginagamit ng mga miyembro ng TrulyRich Club?

Drum roll please…..tan tananan…….ipinakikilala ko sa inyo ang ating “investment buddy” na si……..SAM! :)

Sino si SAM? When I say SAM, I’m not talking with a person.hindi sya tao, hindi sya hayop.. :) 

When I say SAM, it stands for Strategic Averaging Method…!

Isa sa benepisyo ng pagsali sa TrulyRich Club ay ang Stocks Update newsletter na mare-receive ng mga miyembro sa kanilang e-mail dalawang beses sa isang buwan. Ito ay naglalaman ng mga “recommended stocks “ ng TrulyRich Club at ang Strategy na ginagamit ng TRC sa kanilang Stocks Update ay tinatawag na Strategic Averaging Method o SAM. (take a look at the table below)





Akala ko ba tatlo lang ang basic investing strategy sa stock market? Ano naman itong SAM?

SAM is in between passive investing & active trading!

Kagaya rin ito ng Peso-Cost Averaging, ang pagkakaiba nga lang, sa Peso-Cost Averaging, patuloy ang pagbili mo ng stock in a fixed interval and fixed amount kahit anuman ang presyo nito. Samantalang sa Strategic Averaging Method, ang mga miyembro ng TrulyRich Club ay patuloy na bumibili ng stock ng kumpanya kapag ito ay mas mababa sa "Buy Below Price" at ibebenta ito pagkalipas ng ilang linggo o buwan kung ito ay umabot na sa "Target Price", at pagkatapos ay irere-invest lang ang napagbentahan sa iba pang recommended stocks ng TRC or tinatawag na SAM Stocks.

Sa ganitong way, nami-minimize natin ang "risk" ng market timing(active trading) at hindi sya "boring" gaya ng peso-cost averaging.Higit sa lahat ay nama-maximize natin ang ating profit sa stock market.. :)

Pero paano ito ginagawa?

SAM uses 4 “Golden” Rules of Passive investing, tweaks them and adds a 5th rule. Ano ito? Abangan sa next post.. :)

Pag-usapan natin ang mga “Rules” na ito ng Strategic Averaging Method (SAM) ng TrulyRich Club sa susunod na post.


Kaya....Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi!


DISCLAIMER : I am affiliated with the TrulyRich Club, when you sign up using my “affiliate link” that you can find in this blog, I will get commission from your subscription.


Related Posts:





(DISCLOSURE : I'm not an "expert" or financial adviser nor licensed stockbroker.take it at your own risk).




HAPPY INVESTING MGA KA-NOYPI!!! :)


*********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com