Friday, October 18, 2013

Usapang BIZ-NEZ : Piso + Internet = Pisonet!


Welcome mga ka-Noypi!

Business mode ulit tayo ngayon (wink!) ;)
Iba talaga ang Noypi, pagdating sa diskarte at pag create ng mga bagong business,
Gaya na lamang ng paguusapan natin sa araw na ito…
Let’s talk about the very popular small business of today’s generation…ang PisoNet!


Piso + Internet = Pisonet!

[photo credit : www.sulit.com.ph]


“Pabili nga ng pisong Facebook..!”

“Pabili nga ng pisong Twitter..!”

“Pabili nga ng pisong Youtube..!”

Tayong mga Pinoy, likas na napakahilig talaga natin sa tingi! (tama ba?hmm…hehe)
Mula shampoo, toothpaste, sabon, kape, gatas,bawang, paminta at kahit pa ang load ng ating mga cellphone ay tingi-tingi rin.Lalo na ng mga average pinoys na limited lang ang budget, patok ang mga retail products.

(From Wikipedia definition, Retail comes from the Old French word tailler, which means "to cut off, clip, pare, divide" in terms of tailoring (1365). It was first recorded as a noun with the meaning of a "sale in small quantities" in 1433 (from the Middle French retail, "piece cut off, shred, scrap, paring").[1] Like in French, the word retail in both Dutch and German also refers to the sale of small quantities of items).

At ngayon, na tayo ay nasa panahon na ng information age, napakahalaga para sa atin na maging “connected” sa mundo. Ayon sa Statistic, The internet audience in the Philippines is the fastest-growing in the South East Asia, growing by 22% since march 2012 (source,  www.rappler.com)

[photo credit : www.rappler.com]


Unfortunately, Hindi lahat ay afford magkaroon ng internet connection sa kanilang mga tahanan. Karamihan sa ating mga kababayan ay nagpupunta sa mga Internet Café para makapag-surf sa internet at maging updated sa kanilang mga social media sites like facebook & twitter or makapanuod ng kanilang mga favorite music videos sa youtube.



[photo credit : maziermedia.com]


Ang regular rates sa mga internet cafés ay P15-P20 kada oras. Ngunit ang disadvantage nito para sa mga internet users, kahit magconsume ka lang ng less than 1 hour,still, you need to pay the minimum amount of P15.Kaya naman naging patok ngayon sa mga Pinoy ang mga tinatawag na PisoNet!

PisoNet is a computer unit converted into a much convenient and easy way to maintain or to operate. Convenient dahil you just need to drop your “piso” and alas! Pwede mo ng ma-update ang facebook status mo  or ma-check ang iyong e-mail. Madali din i-maintain ito at less management needed kumpara sa mga traditional internet shops.

Ang regular rates sa mga PisoNet shop ay : P1=4 minutes(P15/hour), kaya naman you could maximize your usage! Kung ang plano mo lang ay i-check ang email mo for 3-4 minutes, piso lang ang kailangan mong ihulog, kaya tipid! Hehe..

Para naman sa mga ka-Noypi nating nagpaplanong magtayo ng negosyo, Isa ang Pisonet business na pwede ninyong i-consider to put up. Pero bago ka magsimula sa ganitong negosyo, narito ang ilang mga impormasyon na makakatulong sa inyo sa pagdecide kung para sa inyo ang ganitong klaseng business.

  •          PUHUNAN – Maliit lamang ang puhunan sa pagtayo ng Pisonet business kumpara sa mga tradisyunal na computer shops. You can immediately start with P20,000-P30,000 depende sa bilang ng Pisonet unit na nais mong ilagay. Usually pwede kang magsimula kahit 2 units lang. At kung mayroon kang lumang computer units, pwede mo itong i-convert to Pisonet, at gagastos ka lang ng around P5,000-P7000 para sa mga karagdagang accessories gaya ng coin box at timer.


  •          LOCATION–Isa rin sa advantage ng Pisonet business is, maaari mo itong ilagay kahit sa iyong garahe o kahit sa tapat ng iyong bahay.Pwede mo rin itong ipwesto sa mga business areas or sa mga crowded places para sa mas malaking potential income.


  •          SECURITY – Maaaring ang Pisonet ay less maintenance & less management business, ngunit dapat pa rin natin isaalang-alang ang safety at security ng ating mga computer units at mga customers. Dahil mayroon pa ring mga tao ang likas na mapagsamantala. I recommend na maglagay ng CCTV camera sa iyong pwesto for security purposes o mag-assign ng tao to monitor the ins & outs of your pisonet business.


  •          MAINTENANCE – Importante ang regular na pag-checkup ng iyong technician sa iyong mga Pisonet units to make sure na ang lahat ay nasa maayos na kundisyon at kung mayroong mga dapat i-upgrade na mga softwares at games sa iyong mga units upang mas lalong makahatak ng mga potential customers.


  •          INTERNET CONNECTION –Siguruhing mayroon kang fast & reliable internet connection kung ayaw mong mapahiya sa iyong mga customers. Ang mabagal na internet connection ang isa sa pangunahing dahilan para mawalan ka ng customer at lumipat sila sa iba.


  •          INCOME – Maaari kang kumita ng P200-P250 kada unit sa isang araw. So kung mayroon ka atleast 2 units, may P400-P500 kang kita sa isang araw o P12,000 – P15000 kada buwan less expenses for internet, electricity, maintenance & rental fee(ngunit kung sarili mo ang pwesto, wala ng renta), ang maaaring mong maging net income ay P8,000-P11,000 monthly. What more kung may 4 units ka? Kaya naman napakabilis mo ding mababawi ang iyong puhunan o Return of Investment(ROI) sa loob lamang ng 4-5 months.


Kaya naman masasabi ko na ang Pisonet Business ay isa sa profitable small business sa kasalukuyang panahon. Ngunit gaya din ng ibang negosyo, mayroon din itong kaakibat na risk. Kaya ang advice ko lang ay maging handa tayo sa lahat ng bagay. Pag-aralan muna natin ang ating papasuking negosyo upang hindi mauwi sa wala ang perang ating pinaghirapan.

For more investing articles & inspiring stories, Subscribe to Dizkarteng Noypi

HAPPY INVESTING MGA KA-NOYPI !!!



**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".


Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com