Monday, October 7, 2013

Stock Market for beginners



Good day mga ka-Noypi!

Let’s talk about Stock Market investing!

Sa aking Facebook page, marami ang nagtatanong kung ano daw ba itong Stock Market at paano mag-invest dito. Madalas natin itong nakikita sa TV kapag may news about our economy, or nakikita natin ito sa business page ng mga newspaper gaya ng Manila bulletin at Inquirer. Gayundin, sa ating Newsfeed sa Facebook at iba pang Social Media sites. Pero ano nga ba ang Stock Market at paano kumikita ang mga nagiinvest dito?


Let us learn the BASICS of Stock Market investing….

Stock Market for beginners

[photo credit : cashflowbucket.com]


             1.)  What is Stock, Shares, Share of Stock?
   
            - Stocks, Shares,Share of stock (all used in the same way) is the evidence of fractional ownership in a corporation.  If you buy stocks of the company, you become a Stockholder (or Shareholder). In other words, you become part-owner of the company.

[photo credit : Philippine Stock Exchange(PSE)]



Ibig sabihin, kung meron kang “Shares of Stocks” sa isang kumpanya, isa ka rin sa nagmamay-ari nito. Isa ka sa libo-libong may ari ng PLDT halimbawa. Isa ka sa libo-libong tao at kapwa kumpanya na kasosyo ni Mr. Manny Pangilinan. At bilang shareholder, damay ka ngayon sa success at failure ng kumpanya. Ibig sabihin, kapag kumita ang PLDT, kikita ka rin, at kapag nalugi naman ang PLDT, syempre lugi ka rin!


Kaya kung gusto mong maging kasosyo ng mga bigating negosyante gaya nila Henry Sy,Lucio Tan, John Gokongwei, Manny Pangilinan at marami pang iba, bumili ka ng stock ng kanilang mga kumpanya(ayos di ba?) :)


        2.)  What is Stock Market?

            -The Stock Market is a place where you can buy and sell shares of stock of a publicly listed companies.


[photo credit : Philippine Stock Exchange(PSE)]

Ang Stock Market ay parang isang literal na palengke, kung saan may mga bumibili (buyer) at may mga nagbebenta(seller). Ang pagkakaiba nga lang, hindi gulay o karne ang binibili at binebenta dito, kundi ang “Shares of Stocks” ng mga publicly-listed companies.

Sa Pilipinas, Ang lugar kung saan tayo pwedeng bumili(buy) at magbenta(sell) ng shares of stocks ng mga publicly-listed companies ay sa Philippine Stock Exchange(PSE). Meron silang dalawang opisina, isa sa Ortigas(main) at isa sa Makati. (Note : Hindi natin kailangang magpunta dito personally para mag transact, Ang kailangan lang natin ay ang Stock Broker para makapag transact on our behalf.more on this later).


              3.)  Why invest in the Stock Market?

            -Historically, Investing in the Stock Market has outperformed and provides higher returns than any other “fixed-income” instruments like bonds, government securities, savings accounts and time deposits in a long run.

[photo credit : Philippine Stock Exchange(PSE)]



(Babala : Ang pag-invest sa Stock Market ay may kaakibat na malaking Risk. ibig sabihin, walang guarantee na kikita ka dito, pero ayon sa History, malaki ang returns kapag nag-invest ka dito in a LONG TERM.)


   Kaya I highly recommend investing in the Stock Market , If and only If, hindi pa natin kailangan ang pera sa lalong madaling panahon. Ang advice nga ni Bro. Bo Sanchez,invest for 10, 20 or even 30 years or more at isipin na lang natin na ito ay para sa ating Retirement fund. Ibig sabihin, hindi natin gagalawin ang pera natin sa Stock Market ng matagal na panahon. Kaya matinding disiplina ang kailangan dito.Maaari nating i-apply ang 10-20-70 principle and make it a habit to discipline yourself. What is 10-20-70 principle? 10% for tithing, 20% for our investments, 70% for our living expenses.To learn more about this, click here.


4.) How do I make my money grow in the Stock Market?

[photo credit : www.empowernetwork.com]



          -May dalawang paraan para kumita ka sa Stock Market investing, It is through Dividends and Capital Gains/Capital Appreciation.

  •         Dividends – ito ang share mo ng earnings ng company, dahil nga part-owner ka ng kumpanya, kapag kumita ito, kikita ka rin, at makakatanggap ka ng parte mo ayon sa dami ng pag-aari mong “shares” sa company. May dalawang uri ng Dividends, ang “Cash” dividend at ang “Stock” dividend. Kapag nakareceive ka ng Cash dividend, maidadagdag ito sa iyong Cash Balance sa iyong account, at kapag Stock Dividend naman ang iyong natanggap, maidadagdag ito sa bilang ng “Shares” na pag-aari mo sa company. 
  •        Capital Gains or Capital Appreciation  – ito naman ang pagtaas ng presyo ng iyong "stock" mula ng ito ay una mong nabili. Halimbawa, bumili ka ng stock ng Jollibee (JFC) noong taong 2010 sa halagang Php 90.00 at tumaas ang halaga nito ngayong taong 2013 sa Php 170.00, at kung ibebenta mo ngayon ang shares mo sa Jollibee, may kita ka na ng halagang Php 80.00 per share.kung mayroon kang 100 shares, ang total na kinita mo ay 100 x Php 80.00 = Php 8,000.00, ito ang tinatawag na Capital Gains or Capital Appreciation.



      5.) How do I start investing in the Stock Market?

[photo credit : getcoveredco.info]


                  - Mayroong 3 paraan na pwede nating pagpilian kung paano natin iinvest ang ating pera sa Stock Market. Ito ay ang mga sumusunod.


  •        Through a Traditional Stock Broker - Ito ay ang mga taong licensed at professional pagdating sa stocks na pwedeng mag-advice sa atin about investing strategies, gaya ng kung anong stocks ang kailangan nating bilhin, at kung kailan natin dapat ibenta ang ating shares, etc..You can take your orders to this broker via written instructions or through phone calls.


  •       Through an Online Stock Broker(via internet) - Ito naman ang paraan ng pag-iinvest na kung saan ay ikaw mismo (the investor), ang siyang may kontrol ng iyong investments sa pamamagitan ng iyong computer at access sa internet.Investing through an online stockbroker is like being your own stock broker. You can place your "buy" or "sell" orders conveniently even at your home. Kailangan mo lang ay mag open ng account sa isang online stock broker(similar to the process in opening a bank account).
       
  •       Through a Mutual Fund (Equity funds) - Ito naman ang "Indirect"  way ng pag-iinvest sa stock market na kung saan ang lahat ng pera ng mga investor ng mutual fund ay pinagsasama-sama (pooled funds) at maingat na inilalagak ng tinatawag na "Fund Manager", sa ibat-ibang investment vehicles gaya ng Stock Market (minsan,nilalalagak din ang pondo sa mga bonds at government securities at iba pang financial instruments). 

       I am currently investing through an online stock broker. unang-una, mas gusto ko na ako ang may kontrol ng investments ko. Sa pamamagitan lang ng computer at internet access, makakapag-execute na ako ng "buy" or "sell" orders ng mga stocks na gusto ko. I am currently with COL Financial, Inc., at nagustuhan ko ang kanilang user-friendly interface at napakadali mag-transact and with lots of reports and information na makakatulong sa ating investing strategies. 

        I also recommend this lalo na sa mga newbie investors. Dahil sa halagang Php 5,000 ay  pwede ka ng mag-open ng account sa COL at magsimulang mag-invest sa stock market. Magagamit mo na agad ang Php 5000 na pondo mo to buy some shares of today's giant companies. Nag-ooffer din ang COL ng mga FREE weekly seminars on basic & advance investing in the Stock Market. If you want to learn more about COL Financial,Inc., click here.

Disclaimer: I am not affiliated with COL Financial. I just only share with you what I have experienced with their service & their dedication to help every investors especially for the newbies.:) 


Nawa'y kahit paano mga ka-Noypi, ay naliwanagan kayo sa mundo ng Stock Market! Kung kayo ay may mga katanungan tungkol sa Stock Market,pipilitin kong sagutin sa abot ng aking makakaya.Leave your comment below & don't forget to "follow" Dizkarteng Noypi!



For more investing articles & inspiring stories, Subscribe to Dizkarteng Noypi


HAPPY INVESTING MGA KA-NOYPI!!!



**********

    P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com