Monday, March 28, 2016

How To Handle Friends Who Borrow Money


Nagtatrabaho ka at nagsisikap all these past few years para sa mas magandang financial situation ng buhay mo at yung mga kaibigan mo ay nakikita sa’yo na maganda ang kinalalabasan ng lahat ng efforts mo.

Then suddenly, isa sa mga kaibigan mo ay dumadaing sayo regarding his money problems at umaasa siya na matutulungan mo siya sa pagpapahiram mo ng pera sa kanya.

Ngayon, tinanong mo sarili mo kung anong gagawin mo pero hati yung desisyon mo. Gusto mong matulungan yung kaibigan mo pero sa isang banda, tinatanong mo naman sa sarili mo kung mababayaran ka ba nung nangungutang sayo.

Usually, yung mga nakakausap natin ng maluwag patungkol sa mga bagay na pinansyal ay yung mga malalapit sa atin. Pero kung yung nangungutang sayo ay hindi mo kilala or sa pangalan mo lang kilala at hindi naman kayo talaga close na magkaibigan, para hindi siya maoffend, pwede mong sabihin “Alam mo, alam ko na nangangailangan ka. Pasensya ka na pero hindi kasi ako nagpapautang sa mga kaibigan ko.”

Pwede mo ‘tong sabihin para hindi nakakaoffend at hindi mo inaatake yung mismong tao na humihingi sayo ng tulong.

Pero..

Paano naman yung mga kakilala mo na ng mahabang panahon? Ganoon din ba ang sasabihin mo o for the sake of friendship eh pagbibigyan mo na sila kaagad  sa kanilang request?

Siguro pwede mong masabi sa sarili mo na “Friendship is more important than money. Matagal bago makadevelop ng pagkakaibigan at kaya ko naman ulit kitain yung pera”. This is true pero kailangan mo ring maintindihan na sa mga pagkakataon na may problema ang kaibigan mo sa pananalapi, hindi laging ang pagpapautang ang pinakamagandang option para tumulong.

So paano mo malalaman kung dapat ka bang magpautang? At papaano nito maaapektuhan yung sarili mong mga gastusin?

Tuesday, March 22, 2016

6 Tips Bago Mag-invest Sa Stock Market



Magandang araw, ka-Noypi!

Marami akong nakakausap na gusto ng mag-invest sa stock market lalo na ng mga kagaya kong OFWs.

Ikaw, nag-invest ka na ba o gusto mo ring matutong mag-invest?

Basahin mo hanggang dulo ang artikulong ito at sundin ang mga tips sa ibaba.

Natutuwa ako na marami ng Pinoy ang nagnanais na maayos ang kanilang kaperahan at palaguin ito sa pamamagitan ng pag-iinvest. Ngunit lagi kong pinapaalala na hindi ito ganun kadali(at hindi rin naman ganun kahirap) ngunit may may mga bagay lang na dapat munang isaalang-alang bago magsimulang mag-invest dito.

Narito ang 6 bagay na dapat mong gawin bago ka magsimulang mag-invest sa Stock market:

1. Mag-invest muna sa sarili

“Investing in yourself is the best investment you will ever make. it will not only improve your life, it will improve the lives of all those around you.” --Robin Sharma

Ang pinaka-importanteng investment sa lahat ay ang investment mo sa iyong sarili. Kailangan mong i-improve ang sarili mo. Mag-acquire ng mga bagong knowledge at skills lalo na sa usaping pananalapi gaya ng investments at negosyo. Hindi ito kailanman mananakaw sayo at ito ang sandata mo para ikaw ay magtagumpay sa buhay.

Hindi hadlang kung anuman ang estado mo sa buhay at kung hindi ka man nakatuntong ng kolehiyo, mas importante ang pagpupursige mong matuto. Sa ating kasalukuyang panahon, nariyan na ang internet at napakadali ng makakuha ng mga sapat na impormasyon na makakatulong sayo para matutunan ang mundo ng investments.

Maaari ka ring magbasa ng mga libro tungkol sa pagnenegosyo at pamumuhunan o di kaya’y dumalo sa mga seminar na nagtuturo sa tamang pagpaplano ng ating pananalapi at ng ibat-ibang investments na makakapagpalago ng ating kaperahan.

Sunday, March 6, 2016

5 Habits Na Ginagawa Ng Mga Successful Na Tao (At Kung Bakit Kailangan Mo Ring Gayahin)




Gusto mo rin bang maging successful, ka-Noypi?

Tapusin mo hanggang dulo ang artikulong ito.

Lahat naman siguro tayo ay gustong maging successful (Sino ba namang ayaw, ‘di ba?)
Pero paano nga ba tayo magiging successful sa buhay o sa larangan na ating ginagalawan?

Ang pinaka-madaling sagot ay ang gayahin kung ano ang mga ginawa o ginagawa ng mga taong naging matagumpay na sa kanilang larangan.

Narito ang 5 habits o ginagawa ng mga successful na tao na kailangan mo ring gayahin kung gusto mo ring maabot ang pinaka-aasam asam mong tagumpay.


1.) Naglalaan ng mga goals at nagpaplano

Mahirap abutin ang isang bagay na gusto mong maabot nang hindi mo alam kung ano talaga ang gusto mong abutin! (Tama ba?). Para kang naglakad sa disyerto ng walang direksyon at hindi mo alam ang iyong patutunguhan.

Ang lahat ng mga successful na tao ay nagpa-plano ng mabuti at naglalaan ng mga malinaw at specific na mga goals na nais nilang ma-achieve. Alam nila sa sarili nila kung ano ang gusto nilang makuha at paano nila ito kukuhanin.

Kaya kung gusto mo ring yumaman at maging successful sa buhay, maglaan ng mga financial goals at planuhing mabuti ang mga hakbang na kailangan mong gawin para maabot ang iyong mga pangarap.

Maging malinaw at tiyak sa kung anong nais mong marating. Isulat sa papel o gumawa ng tinatawag na "vision board" upang madalas mo itong makita at ipaalala sayo ang iyong mga pangarap na nais mong matupad sa takdang panahon.

Wednesday, February 3, 2016

10 Financial Resolutions to Help You Save Money this 2016




What can you say about your financial state last 2015?

The answer to this question can help you get an overview of what you want to achieve financially this 2016 based on actual personal instances and figures. Did you hit your savings goals? Did you decrease your credit card debt or loan payments? Did you wish that you achieved more last year?

Reflecting on the past year and taking action can help you reach your financial goals for 2016 with more objectivity and effectiveness.

1)  Make “planned” impulse buys

Seat sales? Sales on every corner of the mall at all months of the year? That’s what gets most of us to make impulse buys because we think we will be getting a great deal from it.

A great way to leverage these kinds of savings as well as satisfying that adrenaline of getting the most bang for your buck is to plan your impulse buys.

How to do it:

Set a budget you are willing to spend for leisure for the whole year. Plan your destinations in advance with the time frames so when you get hold of a seat sale, you can gauge if it fits the plan you made for the year. If yes, go for it! If not, check out other couriers on their seat sales.

           2)  Cut out on unnecessary subscriptions

When you find an interesting product or service, they usually give you a one-month, no commitment FREE subscription. The operative word being free, we are lured into getting on free subscriptions. The psychology behind this is beyond the utility of the product or service, we develop an attachment to any possession we have over time. This is why most people give an overestimate of selling price when selling their pre-loved items.

Saturday, January 30, 2016

10 Dahilan Bakit Di Ka Pa Rin Yumayaman Hanggang Ngayon


Photo Credit

Mabuhay! =)

Gusto mo bang yumaman ka-Noypi? Basahin mo ‘to!

Halos lahat naman ng tao ay gustong yumaman. Naghahangad ng magandang buhay hindi lang para sa ating sarili kundi pati na rin sa ating mga minamahal.

Ang pagiging mayaman ay iba’t-iba ang kahulugan sa bawat tao ngunit sa aking sariling opinyon, ang tunay na mayaman ay yaong mga taong may tinatawag na “Time & Financial Freedom”.

Yun bang nagagawa mo na ang mga bagay na gusto mong gawin, napupuntahan mo na ang mga lugar na gusto mong puntahan, nakakain mo na mga pagkain na gusto mong kainin at higit na pinaka-mahalaga sa lahat ay marami ka ng oras para sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Madalas, alam naman natin kung paano yumaman, ngunit bakit hindi pa rin tayo yumayaman?

Ano nga ba yung mga bagay na pumipigil sa ating pag-asenso sa buhay?

Narito ang 10 dahilan bakit di ka pa rin yumayaman hanggang ngayon:

1. Mali ang paniniwala mo tungkol sa pera at sa mayayaman

Kung mahilig kang manood ng teleserye sa TV, iwasan(o bawasan) mo na ka-Noypi!

Isa sa dahilan na pumipigil sa pagyaman mo ay ang maling paniniwala mo na ang mayayaman ay masasama gaya ng napapanood mo sa mga teleserye.

Tandaan mo, ang pera at ang pagkakaroon nito ay hindi masama. Nagiging masama lamang ito kung nakuha mo o ginamit mo ito sa masama. Ngunit kung nakuha at gagamitin mo ito sa mabuti, hindi ba’t magiging mabuti din ang dulot nito?

Thursday, January 7, 2016

4 Steps Para Maging Maayos Ang Kaperahan Ng Mga OFW


Photo Credit

Mabuhay, Kabayan!

Isa ka bang OFW o nasa Pilipinas ka ngunit may kapamilyang nagtatrabaho abroad? Basahin mo ng buo ang artikulong ito.

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng sipag at tyaga ng ating mga tinaguriang “buhay na bayani”,  karamihan pa rin sa kanila ay may problema pagdating sa pinansyal na aspeto sa kabila ng malaking kinikita sa ibang bansa.

Ito ay sanhi na rin ng kawalan ng disiplina pagdating sa pera ng ating mga kababayan o ng kanilang pamilyang iniwan sa Pilipinas.

Habang nagtatrabaho sa ibang bansa, paano nga ba natin sisimulang ayusin ang ating pananalapi?

Ang pinaka-simpleng sagot ay baguhin natin ang mga hindi magagandang nakaugalian natin pagdating sa paghawak ng ating kaperahan.

Para masimulan mo ang pagbabago ng iyong buhay-pinansyal, narito ang 4 Steps para maging maayos ang iyong kaperahan habang nasa dayuhang bayan:


1.)  Alamin ang lagay ng iyong pananalapi

Magkano ang iyong kinikita kada buwan? Magkano naman ang iyong ginagastos kada buwan? Magkano ang dapat mong ilaan para sa savings kada buwan? Ito ang mga tanong na kailangan mong sagutin.

Dapat alam mo ang mga bagay na ito Kabayan, dahil ito ay isang epektibong paraan para malaman mo ang takbo ng iyong pananalapi. Isang simpleng bagay pero hindi nagagawa ng maraming pinoy. Agree?

Financial tip:  Magtabi agad ng 10% ng iyong income sa isang separate bank account sa oras na natanggap mo ang iyong sweldo. Pagkatapos, ilista ang mga bagay na paglalaanan ng iyong pera gaya ng pang-araw araw na gastusin, pambayad sa utang at syempre pa, ang perang pang-suporta mo sa iyong pamilya sa Pilipinas.

Para sa mga expenses, ugaliing unahin ang mga bagay na talagang kinakailangan. Hangga’t maaari, iwasang gumastos sa mga bagay na hindi naman ganoon ka-importante gaya ng mga gadget, mga branded na kagamitan at iba pang mga luho.

Tamang Formula:  Income – SAVINGS = Expenses
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com